Monday, March 30, 2009

laban o bawi...

everything started when I was still tanga...
thinking that giving what your partner wants will make the relationship stronger and better...

I am a natural spoiler...

Siguro dahil eldest ako and I have 3 siblings..

Whatever they requested as long as I can, binibigay ko.
I love to make others happy even if it means a little sacrifice on my part okey lang...

basta masaya sila okey na ako dun!

I even used my 13th month pay just to buy PSP for my brother.


December 2006

We were just starting as a couple during that time,
when he actually requested that he wanted to have a motorcycle for us.
since we both live in Bulacan, mas makakasave daw kami ng pamasahe and travel time pag may motor kami at the same time maihahatid nya rin ako sa office (which is in Makati) pag may time sya.


Here is our deal: I'll pay the downpayment then hati kami sa monthly fee.

being a so-mabait-and-spoiler-girlfriend,pumayag ako..

Ewan ko kung bakit pero ang nirequired sa aming downpayment e 12K..
I dont know how but I was able to save that amount
of money para sa motor
(eto yata ung mga times na nagpapakamatay pa ako sa OT).


Wrong move...
Wrong decisions...
Mali kasi nung mga time na un e nag aaral pa sya at
ako ung may work.
Sa akin lahat ng requirements para ma approve yung loan namin..
and the loan is under my name..
lahat ng papers sa motor sa akin nakapangalan...


Dahil estudyante pa sya nun at walang work umaasa pa sya sa parents nya,
ending was I am actually paying the monthly fee ALONE..
at dahil mabait/tanga/understanding/martir nga akong gf e pinipilit kong intindihin ang mga reasons kung bakit hindi nya ako natutulungang magbayad.


for almost 2 years, ako ang nagbabayad nung motor..

(mga 2 months lang yata syang nakapag hulog dun)

pero
it is actually one of the reasons why I felt cold in our relationship...
there are times na I was asking myself if is this the man I want to spend my life with..

Ni hindi nga matupad ung promise nya about sharing the monthly fee with me...

It was actually not just about the money, it was more on being a responsible partner.
How about being a good provider in the future?
ni hindi man lang yata natatamaan ang pride nya na ako lang na gf nya ang nagbabayad ng motor na never kong naiuwi sa bahay namin...

nung nalaman ng nanay ko ung sa motor..

naiyak ung nanay ko.. (i was so bad..)

alam ko nga pinagtakpan ko pa ung bf ko nun, I lied.
Sinabi ko na hati kami sa downpayment pati sa monthly fee..


hindi ko naisip nun na concern lang sya sa kin...

ang naisip ko nun tama ako..
walang mali sa ginagawa ko..

at kahit ganun ang sitwasyon namin mahal naman ako ng bf ko...

hindi na rin naman ako pinakialaman ng nanay ko.

kahit alam nyang ako ang nagbabayad ng motor
at nasa bahay ng bf ko ung motor..
never na rin naming naging issue
siguro para wala na lang gulo...

infairness to him naman...
kahit hindi nya ako natutulungan financially,

wala naman akong masasabing masama sa kanya pagdating sa efforts..

madalas nya akong ihatid from bulacan to makati na nakamotor lang

anytime basta pwede sya sinusundo nya ako sa office..

hinahatid kahit 1 am o kahit anong oras pa yan lalo na pag malelate ako..
so un rin ung mga reasons why tumagal rin kami ng 2 years..

I know he loves me...

his family loves me..

I have nothing against them..

akala nga namin kami na talaga..
sa 2 years naming relasyon..
never syang nambabae..
lahat ng away namin.. puro simpleng bagay lang na naaayos rin naman agad.
I know I was happy naman sa relasyon namin...

fast forward..

March 2008


grumaduate na rin sya.. at dahil nga gusto ko na ring matulungan nya ako finacially..
medyo na forced ko syang maghanap ng work
medyo nagkasagutan nga kami nun kasi sabi nya wag ko daw syang madaliin...
eventually naman nag umpisa na rin syang maghanap ng work..
may times na i still give him money para lang makapag apply sya..


September 2008

wala pa rin syang work.. eto na talaga ung times na sobrang hirap na ako sa pag intindi,
parang I am actually thinking if I deserve someone better..

and then this person came into the picture..
exactly opposite of my bf..
responsible and intelligent...

yung mga topic na hindi namin mapagusapan ng bf ko, napapagusapan namin,
we became close, we watched movies, had lunch together...
then I started to fall out of love with my bf..


ang haba na pala.. next post na lang ung kasunod...

Sunday, March 15, 2009

random thoughts...

Rest Day Mode...

more than 1 week na pala kaming may DSL and yet di ko pa rin na-aupdate ang blog ko...

grabeh mukha na akong panda sa eyebags...
nakakastress sa office...
Elimination Day ang drama lagi..
bigla na lang may mateterminate bigla for different kind of reasons...

=(
bagsak ako sa Quality Monitoring last week
e kasi naman pauwi na ako at inaantok ako sa call na to!
passing score is 90% and I got


lerkei.. eto na yata ang naging pinakamababa kong naging score
nasad ako ng ng mga 3 secs pero wala na akong magagawa e..
sayang lang ung efforts ko sa ibang calls at natapat pang ung call na minonitor e ung hindi ako pabiba...
oh well, bawi na lang ako next week... sana 100% na score ko!
iyon ay kung hindi ako aantukin at hindi mauunahan ng tamad na sabihin ang spiel...



conversation with my Mudra:

Melai: Nanay, pwede na ba akong magasawa?
Mudra: OO naman pero mag BF ka muna!

ahehehe wala nga pala akong bf para magpa alam na mag aasawa na..
sa bday ko 25 na ako...
at oo natatakot akong tumandang dalaga!
normal ba to?

eto nga pala ang nanay kong mas pasaway pa sa akin...


meet eileen..


lagi kong kasama sa opis.. ka email at kawentuhan sa lahat ng bagay..
with a good sense of humor at ang p
agiging normal na baklita wala talagang dull moment pagkasama sya..


nalulungkot ako pag rest day nya dahil wala akong kasabay mag lunch...
at dahil off ko sya naman ang mag isang maglalunch ng 2 araw...

iyan na lang muna ang mga nonsense sa ngayon..

ay oo nga pala may crush ako sa opis..
he invited me out nung Valentine's Day...
then we went out again after 1 week..
pero ngayon nagdedeadmahan kami...
eto sya o...



at sana di sya mapadaan dito sa blog ko.. hehehe


Sunday, March 1, 2009

at last....

after 48 months of waiting...




may DSL connection na rin kami...



sana this time makapag update na ako ng madalas...

=)

Wednesday, December 31, 2008

hapinuyir...

happy new year..

... nandito ako sa office may shift nang 1 am to 10 am
... ang hirap sumakay kanina,nakakalungkot palang pumasok kasi habang nagsasaya ang buong mundo na may normal na trabaho e naiisip kong mastress na naman ako sa shift ko =(

sa 2010 pag may shift pa rin ako ng New Year i'll make sure na naka VL ako lalo na pag alanganin ang shift..
hmmm.. nasa call center pa rin kaya ako sa 2010?

in 13 mins maglogin na ako...
hay...


walang kwenta naman to...

gusto ko lang mag post para iwelcome ang 2009!

Friday, December 19, 2008

abente...

Isang taon na pala..

Dec 20, 2007

EMO MODE ON.

mga 8 AM..

kakagaling ko lang ng shift, bangag pa at wala sa sarili dahil puyat...

nasa boarding house pa ako nun sa Manila..
nakakatulog na ako nang biglang nagring ang cellphone ko..
si michael pala na kapatid ko ang tumatawag.

ako: bakit?
michael: ate uwi ka muna emergency lang.
bigla na akong kinabahan pero inaantok pa rin
ako: ano nangyare?
michael: basta uwi ka na.
ako: ano nga nangyare?
michael: si tatay kasi..
di ko na pinatapos ung sinasabi ng kapatid ko...
ako: sige uuwi na ako.

pagkababa ko ng cellphone naisip ko na agad yung pinakaworst na pwedeng mangyare
pero bigla ko ring binawi yung naisip ko..
sabi ko pa nga hindi naman siguro..

baka naman nag away lang naman sila ng nanay at nagkasakitan parang tulad lang ng dati
dahil antok pa ako..
humiga muna ako sandali...
matutulog muna ako kahit 5 mins lang bago bumiyahe papuntang Bulacan.

Pero napabangon rin ako bigla nang nakaramdam nang malamig na hangin sa may bandang hita ko lang.
may nagalit yata..
emergency na nga tutulog tulog ka pa dyan!


dahil malamig na rin naman nung mga panahon na yun..
wala nang ligo ligo.. bihis na lang...
kung ano ano na rin ang naiisip ko..
God wag naman sana...
pero hinahanda ko na rin yung sarili ko sa mga posibleng mangyare..
at dahil di ako mapakali, tumawag na ako sa bahay namin.
si Marvin, yung isa ko pang kapatid ang nakasagot.

ako: Ano ba nangyare kay tatay?
Marvin: Si tatay kasi patay na.

totoo pala yun .. yung napapanood sa mga soap opera
yung parang titigil yung mundo tapos sobrang tahimik na matutulala ka ng mga ilang segundo
bago mag sink in yung mga nangyayare...
parang gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat..
sana magising na ako...

habang nasa LRT pauwi umiiyak na ako..
yung iyak na tulo lang ng tulo yung luha na hindi mapigilan
magulo ang utak..
maraming tanong...

anong nangyare?
nasan ang tatay ko?
san ako pupunta?
bakit naman ganito?
bakit hindi man lang kami hinayaang magusap at magkita bago mangyare to.
bakit ngayon pa magpapasko pa naman...

isang taon na pala...
parang kailan lang...

Noche buena last year nakaburol ang tatay ko.
sabi ko nga sa kanya nun
"Napaka wrong timing mo naman... Sana man lang nag Pasko ka pa at Bagong Taon na kasama kami.. kahit sa huling pagkakataon."

sabi nang kapatid ko hindi naging ulirang tao ang tatay namin, hindi sya naging perpektong ama.
may mga pagkakamali syang nagawa sa buhay nya at nakakalungkot na hindi man lang sya nabigyan ng sapat na panahon para itama ang lahat...

Ang hirap pa lang balikan..
Kasi maraming pagsisisihan...
Sana nasabi ko man lang sa kanya na mahal ko sya at gusto ko pa sanang iparanas sa kanya yung buhay na maginhawa.

Pero sa lahat ng nangyare... tinuruan nya akong maging matapang at matatag na harapin ang mga pagsubok sa buhay
Dapat kong isipin na kahit masakit at mahirap tanggapin ang mga ilang pangyayare sa buhay namin.
Lahat ng ito ay may dahilan...
At sa bandang huli magiging maayos din ang lahat...



Tatay hanggang sa muling pagkikita...


EMO MODE OFF.


Sunday, December 7, 2008

epekto...

So how are we to know?
That this just wasn't so
That we just have to let each other go

naku naman kasi ikaw melai
ang tanga tanga mo..
akala ko ba move on ka na?
e bakit umaasa ka pa rin?
kung di ka umaasa di ka naman masasaktan diba?

Tuesday, November 25, 2008

aym beck....

nandito na ako ulet...

tagal ko palang di na nagpost...

papaigsihin ko na lang ang mga nangyare..

nagbreak kami ng bf ko for 2 years...
at ako ang may kasalanan..
nakita nya akong may kasamang ibang lalake...
cguro kasi di na ako masaya sa relasyon namin..
ang mali ko di ako nagsabi ng totoo bago ako kumuha ng iba...

akala ko okey kami nung kinuha kong bago
yun pala paasa lang... di ko rin maintindihan
hanggang ngayon di ko alam kung ano nangyare
kung bakit all of a sudden biglang ayaw na lang nya sa akin...
at bigla na lang nyang narealize na hindi pa pala sya ready sa commitment!

ang sakit pala..
Karma un?
I think I deserve it...
But I'm moving on...

Sarap naman din palang single...
Nakakapanibago nga lang sa una

Ok na kami nung ex ko...
We're friends at konti na lang daw yung galit nya sa akin
Tanggap na rin namin na siguro nga hindi kami para sa isa't isa...

At yung kinuha kong bago?
kami ang may cold war ngayon...
para sa kanya to..

alam ko napapadaan ka dito, kung mapadaan ka man ulit at mabasa mo to. Payo lang, next time naman esiguraduhin mo muna na ready ka na talaga kasi naman kung kailan nahulog na ung loob ko e saka mo naman sinabing baka hindi ikaw yung kailangan ko.. hindi ako galit.. siguro nga may reasons ka.. sana sinabi mo na lang para mas magaan sa loob kong tanggapin... hindi yung basta ganito na lang.. nanghuhula ako kung ano ba talaga ang nangyare.

cge hanggang dito na lang muna to at magpaparamdam na muna ako sa mga ibang bloggers...

baka sakali lang na may nakamiss sa akin... =)